Pumunta sa nilalaman

Mga boluntaryo sa konstruksiyon sa labas ng mga pasilidad ng sangay sa Colombia

SETYEMBRE 29, 2023
COLOMBIA

Bukás Na Para sa Tour ang Bagong-renovate na mga Pasilidad ng Sangay sa Colombia

Bukás Na Para sa Tour ang Bagong-renovate na mga Pasilidad ng Sangay sa Colombia

Natapos na kamakailan ang malaking proyekto ng renovation ng sangay sa Colombia. Sinimulan ito noong Pebrero 2019 at natapos noong Marso 2023. Mahigit 200 kapatid, kasama na ang mga boluntaryo mula sa Australia, Canada, Chile, Dominican Republic, England, at United States, ang tumulong sa renovation.

Isang mag-ina na nagtu-tour sa bagong-renovate na mga pasilidad ng sangay sa Colombia

Simula noong Hunyo 1, 2023, puwede nang mag-tour sa bagong-renovate na mga pasilidad. Unang beses na nakadalaw sa sangay si Brother John Rodriguez, na nabautismuhan noong COVID-19 pandemic. Sinabi niya: “Ipinapakita ng gawain dito ang pag-ibig at kadakilaan ni Jehova. Masayang-masaya ako at nagpapasalamat na mapabilang sa magandang organisasyong ito.” Isang brother naman ang nagsabi: “Humanga ako sa pinakabagong teknolohiya at kagamitan na ginamit ng mga kapatid sa pagtatayo. Patunay ang renovation na ito na talagang pasulong ang organisasyon ni Jehova.”

Inoorganisa ng tanggapang pansangay—na 42 kilometro sa hilagang-silangan ng Bogotá, Colombia—ang teokratikong mga gawain sa Bolivia at Colombia. Nag-iimprenta ang sangay ng mga publikasyon para sa mga bansang iyon, pati na para sa Ecuador, Peru, at Venezuela. Dahil sa renovation, mas mapapangasiwaan ng sangay ang sumusulong na gawain sa mga rehiyong iyon. Sa kabuoan, mahigit 350 kuwarto at opisina ang ni-remodel at 156 na bagong mga opisina ang itinayo. May bagong mga classroom at conference room din na itinayo, at mas malawak na ngayon ang ruta sa pagtu-tour.

Ang bagong-renovate na auditorium sa sangay sa Colombia na puwedeng gamitin nang hanggang 420 tao. Maliit na larawan: Mga brother na nagre-renovate ng auditorium

Sinabi ni Brother Tait Boulais, coordinator ng construction committee: “Kahit maraming hamon sa pagtatayo dahil sa COVID-19, kitang-kita na pinagpala ni Jehova ang proyektong ito. Dahil mas kaunti ang puwedeng magtrabaho, masayang nakipagtulungan ang mga volunteer kahit sa mga gawaing wala silang masyadong kasanayan. Gaya ng tapat na mga lingkod ni Jehova noon, nakita namin kung paano sila tinulungan ni Jehova na maging mahusay agad sa mga gawaing iyon.”

Sigurado tayo na malaking tulong ang bagong-renovate na mga pasilidad ng sangay sa mga kapatid at interesado sa bahaging ito ng mundo.​—Gawa 1:8.