Pumunta sa nilalaman

OKTUBRE 21, 2022
UNITED KINGDOM

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Wikang Punjabi (Shahmukhi)

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Wikang Punjabi (Shahmukhi)

Noong Oktubre 9, 2022, ini-release ni Brother Paul Norton, isang miyembro ng Komite ng Sangay ng Britain ang The Bible—The Good News According to Matthew sa Punjabi (Shahmukhi) sa isang programa. Mahigit 1,300 ang dumalo, pati na ang mga mamamahayag na nag-tie in sa pangyayaring ito sa mga Kingdom Hall sa buong teritoryo ng sangay ng Britain. Agad nilang nakuha ang aklat ng Bibliya sa audio, digital, at inimprentang format.

Ang Punjabi ay sinasalita ng milyon-milyong tao sa India, Pakistan at ng maraming tao sa iba pang bansa. Ini-release ang kumpletong New World Translation of the Holy Scriptures sa Punjabi na isinulat sa alpabetong Gurmukhi noong Oktubre 2020. Pero ang bagong edisyong ito ay gagamitin ng mga nagbabasa ng Punjabi gamit ang alpabetong Shahmukhi, na hindi nakakabasa ng alpabetong Gurmukhi o naiintindihan ang bokabularyo nito. Umaasa lang ang mga nagbabasa ng Punjabi (Shahmukhi) sa mga salin ng Bibliya sa ibang mga wika, gaya ng Urdu.

Sa nakalipas na mga taon, nagkaroon ng ilang aklat ng Bibliya sa Punjabi (Shahmukhi). Pero ang salin na ito ng aklat ng Mateo ay mas madaling basahin at intindihin. At ang pinakamahalaga, mababasa ang pangalan ni Jehova sa saling ito.

Sinabi ng isang translator na gumawa sa proyektong ito: “Malamang na naririnig ng mga tao ang pangalang Jehova sa mga awit sa simbahan nila. Pero dahil inalis ng mga tagapagsalin ang pangalang Jehova sa maraming teksto sa Bibliya, hindi napapalapít sa Diyos ang mga tao. Ngayon makikita na nila ang pangalan ng Diyos sa aklat na ito ng Bibliya kung saan dapat itong lumitaw.”

Nagtitiwala kami na ang aklat na ito ng Bibliya na ini-release ay tutulong sa ating mga kapatid na patuloy na maging malapít kay Jehova at purihin ang pangalan niya.​—Mateo 6:9.