Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Tutulungan ka ng publikasyong ito na magbalik-tanaw sa kasaysayan, mula sa ulat ng Bibliya tungkol sa paglalang, hanggang sa kapanganakan at ministeryo ni Jesus, at sa pagdating ng Kaharian.
Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
Paano magagamit ang aklat na ito?
ARAL 1
Ginawa ng Diyos ang Langit at Lupa
Sinasabi ng Bibliya na ginawa ng Diyos ang langit at lupa. Bakit gumawa muna ang Diyos ng isang anghel bago niya ginawa ang iba pang bagay?
ARAL 2
Ginawa ng Diyos ang Unang Lalaki at Babae
Ginawa ng Diyos ang unang lalaki at babae at inilagay sila sa hardin ng Eden. Gusto niyang magkapamilya sila at gawin nilang paraiso ang buong lupa.
ARAL 3
Hindi Sumunod sa Diyos Sina Adan at Eva
Bakit espesyal ang isang puno sa hardin ng Eden? Bakit kinain ni Eva ang bunga ng punong iyon?
ARAL 4
Pumatay Dahil sa Galit
Natuwa ang Diyos sa handog ni Abel pero hindi sa handog ni Cain. Dahil dito, nagalit si Cain at gumawa siya ng isang napakasamang bagay.
ARAL 5
Ang Arka ni Noe
May masasamang anghel na nag-asawa ng mga babae sa lupa at nagkaanak ng mga higante. Dumami ang masama. Pero iba si Noe—mahal niya ang Diyos at naging masunurin siya.
ARAL 6
Walo ang Nakaligtas sa Baha
Nangyari ang Baha nang 40 araw at 40 gabing umulan. Mahigit isang taon sa loob ng arka si Noe at ang pamilya niya. Pagkatapos, puwede na silang lumabas.
ARAL 7
Ang Tore ng Babel
May mga taong nagpasiyang gumawa ng lunsod at magtayo ng tore na aabot hanggang sa langit. Bakit biglang pinag-iba-iba ng Diyos ang wika nila?
ARAL 8
Sumunod sa Diyos Sina Abraham at Sara
Bakit iniwan nina Abraham at Sara ang buhay sa lunsod at nagpalipat-lipat ng tirahan sa lupain ng Canaan?
ARAL 9
Magkakaanak Na!
Paano tutuparin ng Diyos ang kaniyang pangako kay Abraham? Kanino sa mga anak ni Abraham ito matutupad—kay Isaac o kay Ismael?
ARAL 10
Tandaan ang Nangyari sa Asawa ni Lot
Nagpaulan ang Diyos ng apoy at asupre sa Sodoma at Gomorra. Bakit winasak ang mga lunsod na iyon? Bakit dapat nating tandaan ang nangyari sa asawa ni Lot?
ARAL 11
Isang Pagsubok sa Pananampalataya
Sinabi ng Diyos kay Abraham: ‘Isama mo ang iyong anak sa isang bundok sa Moria at ihain mo siya doon.’ Paano haharapin ni Abraham ang pagsubok na ito sa kaniyang pananampalataya?
ARAL 12
Napunta kay Jacob ang Mana
Nagkaanak ng kambal na lalaki sina Isaac at Rebeka, sina Esau at Jacob. Dahil si Esau ang panganay, siya sana ang makakakuha ng espesyal na mana. Bakit ipinagpalit niya ito sa isang mangkok ng nilaga?
ARAL 13
Nagbatî Sina Jacob at Esau
Paano nakatanggap ng pagpapala si Jacob mula sa isang anghel? At paano siya nakipagbati kay Esau?
ARAL 14
Isang Aliping Sumunod sa Diyos
Ginawa naman ni Jose ang tama, pero nagdusa pa rin siya. Bakit?
ARAL 15
Hindi Pinabayaan ni Jehova si Jose
Napalayo si Jose sa pamilya niya, pero hindi siya pinabayaan ng Diyos.
ARAL 17
Pinili ni Moises na Sambahin si Jehova
Nailigtas si Moises noong sanggol pa siya dahil sa matalinong plano ng kaniyang nanay.
ARAL 19
Ang Unang Tatlong Salot
Dahil sa kayabangan ni Paraon, ayaw nitong sundin ang utos ng Diyos, kaya nagdusa ang lahat ng Ehipsiyo.
ARAL 21
Ang Ikasampung Salot
Napakatindi ng epekto ng salot na ito kung kaya maging ang mayabang na si Paraon ay napilitang sumuko.
ARAL 22
Ang Himala sa Dagat na Pula
Buháy pa rin si Paraon pagkatapos ng 10 salot. Pero makakaligtas kaya siya sa himalang ito ng Diyos?
ARAL 23
Isang Pangako kay Jehova
Gumawa ng espesyal na pangako sa Diyos ang mga Israelita noong nasa paanan sila ng Bundok Sinai.
ARAL 24
Hindi Sila Tumupad sa Pangako
Habang kinukuha ni Moises ang Sampung Utos, gumawa ng malubhang kasalanan ang bayan.
ARAL 26
Ang Labindalawang Espiya
Naiiba sina Josue at Caleb sa 10 iba pang nag-espiya sa lupain ng Canaan.
ARAL 27
Nagrebelde Sila kay Jehova
Isang napakahalagang bagay tungkol kay Jehova ang hindi naisip nina Kora, Datan, Abiram, at 250 iba pa.
ARAL 30
Itinago ni Rahab ang mga Espiya
Nagiba ang pader ng Jerico. Pero hindi nagiba ang bahay ni Rahab, kahit nasa tabi ito ng pader.
ARAL 31
Si Josue at ang mga Gibeonita
Nanalangin si Josue sa Diyos: “Araw, huminto ka!” Pinakinggan ba ito ng Diyos?
ARAL 32
Isang Bagong Lider at Dalawang Matatapang na Babae
Pagkamatay ni Josue, sumamba sa mga diyos-diyusan ang Israel. Naghirap sila, pero natulungan sila ng hukom na si Barak, propetisang si Debora, at ni Jael!
ARAL 33
Sina Ruth at Noemi
Dalawang babae na pareho nang patay ang asawa ang nagbalik sa Israel. Isa sa kanila, si Ruth, ay nagtrabaho sa bukid, at doon siya napansin ng lalaking si Boaz.
ARAL 34
Tinalo ni Gideon ang mga Midianita
Pinahirapan ng mga Midianita ang mga Israelita, kaya humingi sila ng tulong kay Jehova. Paano tinalo ng maliit na hukbo ni Gideon ang 135,000 kalabang sundalo?
ARAL 35
Nanalangin si Hana na Magkaroon Siya ng Anak
Isinama ni Elkana sa tabernakulo sa Shilo sina Hana, Penina, at ang pamilya nila para sumamba. Doon, nanalangin si Hana na magkaanak siya ng lalaki. Nang sumunod na taon, isinilang si Samuel!
ARAL 36
Ang Pangako ni Jepte
Ano ang pangako ni Jepte at bakit niya ginawa ang pangakong iyon? Ano ang reaksiyon ng anak na babae ni Jepte sa pangakong binitiwan ng tatay niya?
ARAL 37
Nakipag-usap si Jehova kay Samuel
Mga saserdote sa tabernakulo ang dalawang anak ng mataas na saserdoteng si Eli, pero hindi nila sinusunod ang batas ng Diyos. Iba ang batang si Samuel, at nakipag-usap sa kaniya si Jehova.
ARAL 38
Galing kay Jehova ang Lakas ni Samson
Binigyan ni Jehova ng lakas si Samson para labanan ang mga Filisteo, pero nang makagawa ng maling desisyon si Samson, nabihag siya ng mga Filisteo.
ARAL 39
Ang Unang Hari ng Israel
Naglaan ang Diyos ng mga hukom sa Israel, pero gusto nila ng hari. Pinahiran ni Samuel si Saul bilang unang hari, pero inalis ni Jehova si Saul nang maglaon. Bakit?
ARAL 40
Si David at si Goliat
Si David ang pinili ni Jehova na maging susunod na hari ng Israel, at makikita kay David kung bakit siya ang pinili.
ARAL 44
Isang Templo Para kay Jehova
Ibinigay ng Diyos ang hiniling ni Haring Solomon at binigyan din ito ng magagandang pribilehiyo.
ARAL 49
Pinarusahan ang Isang Napakasamang Reyna
Gumawa ng paraan si Jezebel para patayin si Nabot at makuha ang ubasan nito! Nakita ni Jehova ang kasamaan niya.
ARAL 50
Ipinagtanggol ni Jehova si Jehosapat
Nanalangin sa Diyos ang mabuting haring si Jehosapat nang pagbantaan ng mga kaaway na bansa ang Juda.
ARAL 51
Ang Mandirigma at ang Batang Babae
Sinabi ng batang Israelita sa asawa ng isang mandirigma ang tungkol sa malakas na kapangyarihan ni Jehova—na nakakagawa ng mga himala.
ARAL 52
Ang Maapoy na Hukbo ni Jehova
Nakita ng lingkod ni Eliseo na ‘mas marami ang kasama nila kaysa sa mga kasama ng kalaban.’
ARAL 53
Ang Katapangan ni Jehoiada
Nilabanan ng isang tapat na saserdote ang isang napakasamang reyna.
ARAL 54
Naging Matiisin si Jehova kay Jonas
Bakit napapunta sa tiyan ng napakalaking isda ang isang propeta ng Diyos? Paano siya nakalabas? At anong aral ang itinuro ni Jehova sa kaniya?
ARAL 55
Iniligtas ng Anghel ni Jehova si Hezekias
Sinasabi ng mga kaaway ng Juda na hindi maililigtas ni Jehova ang kaniyang bayan. Nagkakamali sila!
ARAL 56
Mahal ni Josias ang Kautusan ng Diyos
Walong taóng gulang si Josias nang maging hari siya, at tinulungan niya ang mga tao na sambahin si Jehova.
ARAL 57
Inutusan ni Jehova si Jeremias na Mangaral
Nagalit ang matatandang lalaki ng Juda sa sinabi ng kabataang propetang ito.
ARAL 58
Winasak ang Jerusalem
Patuloy na sumamba sa mga diyos-diyusan ang mga taga-Juda, kaya pinabayaan sila ni Jehova.
ARAL 59
Apat na Kabataang Sumunod kay Jehova
Determinadong manatiling tapat kay Jehova ang apat na kabataang Judio, kahit nasa harap sila ng maharlikang korte ni Nabucodonosor sa Babilonya.
ARAL 60
Isang Kaharian na Mananatili Magpakailanman
Ipinaliwanag ni Daniel ang kahulugan ng panaginip ni Nabucodonosor.
ARAL 61
Hindi Sila Yumukod
Hindi sumamba sina Sadrac, Mesac, at Abednego sa imaheng ginto ng hari ng Babilonya.
ARAL 62
Isang Kahariang Gaya ng Malaking Puno
Ang panaginip ni Nabucodonosor ay tungkol sa mangyayari sa kaniya sa hinaharap.
ARAL 63
Ang Sulat sa Pader
Kailan lumitaw ang misteryosong sulat na ito sa pader, at ano ang kahulugan nito?
ARAL 66
Nagturo si Ezra ng Kautusan ng Diyos
Nakinig kay Ezra ang mga Israelita at gumawa sila ng espesyal na pangako sa Diyos.
ARAL 67
Ang mga Pader ng Jerusalem
Nalaman ni Nehemias na sasalakayin sila ng kalaban. Bakit hindi siya natakot?
ARAL 68
Nagkaanak si Elisabet
Bakit sinabihan ang asawa ni Elisabet na hindi siya makapagsasalita hanggang sa maipanganak ang sanggol?
ARAL 70
Ibinalita ng mga Anghel na Ipinanganak si Jesus
Agad na kumilos ang mga pastol na nakarinig sa balita.
ARAL 73
Inihanda ni Juan ang Daan
Si Juan ay naging propeta. Itinuro niyang darating ang Mesiyas. Ano ang reaksiyon ng mga tao sa kaniyang mensahe?
ARAL 74
Si Jesus ay Naging Mesiyas
Ano ang ibig sabihin ni Juan nang tawagin niyang Kordero ng Diyos si Jesus?
ARAL 75
Sinubok ng Diyablo si Jesus
Tatlong beses na sinubok ng Diyablo si Jesus. Ano ang mga tukso ng Diyablo? Ano ang ginawa ni Jesus?
ARAL 76
Nilinis ni Jesus ang Templo
Bakit itinaboy ni Jesus ang hayop mula sa templo at itinaob ang lamesa ng mga nagpapalit ng pera?
ARAL 77
Isang Babae sa Tabi ng Balon
Nagulat ang Samaritanang nasa tabi ng balon nang makipag-usap sa kaniya si Jesus. Bakit? Ano ang sinabi sa kaniya ni Jesus na hindi pa niya sinasabi sa iba?
ARAL 78
Ipinangaral ni Jesus ang Mensahe ng Kaharian
Niyaya ni Jesus ang ilang alagad niya na maging “mangingisda ng mga tao.” Nang maglaon, sinanay niya ang 70 tagasunod niya na ipangaral ang mabuting balita.
ARAL 79
Gumawa si Jesus ng Maraming Himala
Kahit saan pumunta si Jesus, sinusundan siya ng mga maysakit, at pinagagaling niya silang lahat. Binuhay-muli pa nga niya ang isang bata.
ARAL 80
Pumili si Jesus ng Labindalawang Apostol
Bakit siya pumili ng mga apostol? Natatandaan mo ba ang mga pangalan nila?
ARAL 82
Tinuruan ni Jesus ang mga Alagad Kung Paano Manalangin
Anong mga bagay ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na patuloy na hilingin?
ARAL 83
Nagpakain si Jesus ng Libo-libo
Ano ang ipinapakita sa atin ng himalang ito tungkol kay Jesus at kay Jehova?
ARAL 84
Naglakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
Ano kaya ang naramdaman ng mga apostol nang makita nila ang himalang ito?
ARAL 86
Binuhay-Muli ni Jesus si Lazaro
Nang makita ni Jesus na umiiyak si Maria, umiyak din siya. Pero di-nagtagal, naging masaya sila.
ARAL 87
Ang Huling Hapunan ni Jesus
Nagbigay si Jesus ng mahalagang utos sa mga apostol noong huling hapunan niyang kasama sila.
ARAL 88
Inaresto si Jesus
Kasama ni Hudas Iscariote ang isang grupo ng mga lalaki na may dalang espada at pamalo para arestuhin si Jesus.
ARAL 89
Hindi Inamin ni Pedro na Kilala Niya si Jesus
Anong nangyari sa bakuran ng bahay ni Caifas? At ano ang nangyari kay Jesus sa loob ng bahay?
ARAL 91
Binuhay-Muli si Jesus
Anong kahanga-hangang mga bagay ang nangyari ilang araw matapos patayin si Jesus?
ARAL 93
Bumalik si Jesus sa Langit
Bago siya bumalik sa langit, nagbigay siya sa mga alagad ng napakahalagang mga utos.
ARAL 94
Tumanggap ng Banal na Espiritu ang mga Alagad
Anong makahimalang kakayahan ang ibinigay ng banal na espiritu sa kanila?
ARAL 95
Walang Makapigil sa Kanila
Ang mga lider ng relihiyon na nagpapatay kay Jesus ay gustong patigilin ang mga alagad niya. Pero hindi nila kaya.
ARAL 96
Pinili ni Jesus si Saul
SI Saul ay isang malupit na kaaway ng mga Kristiyano, pero magbabago ito.
ARAL 97
Tumanggap ng Banal na Espiritu si Cornelio
Bakit pinapunta ng Diyos si Pedro sa bahay ng lalaking ito, na hindi Judio?
ARAL 98
Lumaganap sa Maraming Bansa ang Kristiyanismo
Si apostol Pablo at ang kaniyang kasamang mga misyonero ay nagsimulang mangaral ng mabuting balita sa malalayong lupain.
ARAL 99
Isang Guwardiya na Natuto ng Katotohanan
Ano ang kaugnayan ng demonyo, lindol, at espada sa kuwentong ito?
ARAL 100
Sina Pablo at Timoteo
Sa loob ng maraming taon, nagtulungan sila bilang magkaibigan at magkapatid sa pananampalataya.
ARAL 101
Dinala si Pablo sa Roma
Mapanganib ang paglalakbay, pero hindi nito mapipigilan ang apostol na ito.
ARAL 102
Ang Pagsisiwalat kay Juan
Binigyan siya ni Jesus ng sunod-sunod na pangitain tungkol sa hinaharap.
ARAL 103
“Dumating Nawa ang Iyong Kaharian”
Ipinapakita ng Pagsisiwalat kay Juan kung paano babaguhin ng Kaharian ng Diyos ang buhay sa lupa.