Genesis 16:1-16

16  At hindi nagkaanak ang asawa ni Abram na si Sarai,+ pero mayroon siyang alilang Ehipsiyo na ang pangalan ay Hagar.+  Kaya sinabi ni Sarai kay Abram: “Hindi ako pinahintulutan ni Jehova na magkaanak. Pakisuyo, sumiping ka sa aking alila. Baka magkaroon ako ng mga anak sa pamamagitan niya.”+ At nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai.  Noong 10 taon nang naninirahan si Abram sa Canaan, ibinigay ni Sarai sa asawa niyang si Abram ang kaniyang alilang Ehipsiyo na si Hagar para maging asawa nito.  Kaya sumiping si Abram kay Hagar, at nagdalang-tao siya. Nang malaman ni Hagar na nagdadalang-tao siya, naging hamak sa paningin niya ang amo niyang babae.  Dahil dito, sinabi ni Sarai kay Abram: “Ikaw ang may kasalanan kung bakit niya ako hinahamak. Ako ang nagbigay sa iyo* ng aking alila, pero nang malaman niyang nagdadalang-tao siya, naging hamak ako sa paningin niya. Si Jehova nawa ang humatol sa akin at sa iyo.”  Kaya sinabi ni Abram kay Sarai: “Alila mo siya. Gawin mo sa kaniya kung ano sa tingin mo ang makakabuti.” At ipinahiya ni Sarai si Hagar kaya lumayas siya.  Nang maglaon, nakita siya ng anghel ni Jehova sa isang bukal ng tubig sa ilang, ang bukal na nasa daan papuntang Sur.+  Sinabi nito: “Hagar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” Sumagot siya: “Tumatakas ako mula sa amo kong si Sarai.”  Kaya sinabi sa kaniya ng anghel ni Jehova: “Bumalik ka sa amo mo at magpakumbaba* ka sa kaniya.” 10  Pagkatapos, sinabi ng anghel ni Jehova: “Talagang pararamihin ko ang mga supling* mo hanggang sa hindi na sila kayang bilangin.”+ 11  Idinagdag pa ng anghel ni Jehova: “Nagdadalang-tao ka, at magsisilang ka ng isang lalaki. Pangalanan mo siyang Ismael,* dahil narinig ni Jehova ang paghihirap mo. 12  Magiging tulad siya ng mailap na asno.* Siya ay magiging laban sa lahat, at ang lahat ay magiging laban sa kaniya, at maninirahan siya malapit sa lahat ng kapatid niya.”* 13  Kaya tumawag siya sa pangalan ni Jehova, na nakikipag-usap sa kaniya, at sinabi niya: “Ikaw ay Diyos ng paningin,”+ dahil sinabi niya: “Talaga bang nakita ko ang isa na nakakakita sa akin?” 14  Iyan ang dahilan kung bakit ang balon ay tinawag na Beer-lahai-roi.* (Nasa pagitan ito ng Kades at Bered.) 15  Kaya nagsilang si Hagar ng isang lalaki, at pinangalanan ni Abram na Ismael ang anak niya kay Hagar.+ 16  Si Abram ay 86 na taóng gulang nang isilang ni Hagar si Ismael.

Talababa

Lit., “sa iyong dibdib.”
O “magpasakop.”
Lit., “ang binhi.”
Ibig sabihin, “Naririnig ng Diyos.”
Iniisip ng ilan na tumutukoy ito sa sebra. Malamang na ginamit para tumukoy sa pagiging mapagsarili.
O posibleng “at mabubuhay siya na kaaway ang lahat ng kapatid niya.”
Ibig sabihin, “Balon ng Isa na Buháy na Nakakakita sa Akin.”

Study Notes

Media