Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 22

Dumating Nawa ang Kaharian!

Dumating Nawa ang Kaharian!

(Apocalipsis 11:15; 12:10)

  1. 1. Ikaw ay magpakailanman,

    Diyos naming Jehova.

    Naghahari ang ’yong Anak;

    Iniluklok mo siya.

    Kaharia’y ’sinilang na;

    Mamamahala sa lupa.

    (KORO)

    Kaharian ng Diyos

    Ay naitatag na ngayon.

    Ang aming dalangin:

    “Nawa’y dumating na ito!”

  2. 2. Araw ng Diyablo’y may wakas;

    Ito’y malapit na.

    May pagdurusa man ngayon,

    Tayo’y may pag-asa.

    Kaharia’y ’sinilang na;

    Mamamahala sa lupa.

    (KORO)

    Kaharian ng Diyos

    Ay naitatag na ngayon.

    Ang aming dalangin:

    “Nawa’y dumating na ito!”

  3. 3. Mga anghel ay nagsaya.

    Ngayo’y may ginhawa.

    Ang langit ay nagbubunyi,

    Diyablo’y hinagis na.

    Kaharia’y ’sinilang na;

    Mamamahala sa lupa.

    (KORO)

    Kaharian ng Diyos

    Ay naitatag na ngayon.

    Ang aming dalangin:

    “Nawa’y dumating na ito!”

(Tingnan din ang Dan. 2:34, 35; 2 Cor. 4:18.)