Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 46

Salamat, Jehova

Salamat, Jehova

(1 Tesalonica 5:18)

  1. 1. Salamat, Jehova, sa araw-araw.

    Sa ’mi’y pinasikat ang ’yong tanglaw.

    Salamat sa pribilehiyong dalangin;

    Nalalapitan ka lagi namin.

  2. 2. Salamat, Jehova, sa ’yong pag-ibig,

    Mahal mong Anak, mundo’y dinaig.

    Salamat sa tulong upang magawa

    Kalooban mo’t aming panata.

  3. 3. Salamat, Jehova, sa karangalan

    Na ipangaral ang ’yong pangalan.

    Salamat at pagdurusa’y lilipas;

    Kaharian mo’y ’di magwawakas.