Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Nagdisenyo ba Nito?

Ang Mata ng Peacock Mantis Shrimp

Ang Mata ng Peacock Mantis Shrimp

● Ang peacock mantis shrimp, na makikita sa Great Barrier Reef ng Australia, ang may pinakamasalimuot na mata sa lahat ng hayop. “Talagang pambihira ito,” ang sabi ni Dr. Nicholas Roberts, “mas mahusay ito sa anumang naimbento ng tao sa ngayon.”

Pag-isipan ito: Nakikita ng peacock mantis shrimp ang polarized light at pinoproseso ito sa paraang hindi kaya ng tao. Ang wave ng liwanag na ito ay maaaring paderetso o paikot gaya ng galaw ng isang corkscrew. Hindi lang nakikita ng mantis shrimp kapuwa ang paderetso at paikot na anyo ng liwanag, kaya rin nitong ikumberte ang liwanag sa ibang anyo. Kaya napakalinaw ng paningin nito.

Gumagana ang DVD sa ganiyan ding paraan. Para mabasa ang impormasyon, ang wave ng polarized light na tumatama sa isang disc ay kinukumberte ng DVD player nang paikot at ibinabalik ito nang paderetso. Pero higit pa riyan ang nagagawa ng peacock mantis shrimp. Ang isang karaniwang DVD player ay nakapagkukumberte lamang ng liwanag na kulay pula​—o sa mas mataas na resolution, liwanag na kulay asul. Pero kayang ikumberte ng mata ng mantis shrimp ang halos lahat ng kulay.

Naniniwala ang mga mananaliksik na kung gagayahin ng mga inhinyero ang mata ng peacock mantis shrimp, makabubuo sila ng DVD player na makababasa ng mga disc na naglalaman ng mas maraming impormasyon kaysa sa mga disc sa ngayon. “Ang nakatutuwa ay napakasimple nito,” ang sabi ni Roberts. “Di-hamak na mas mahusay ito kaysa sa anumang sinubukan naming buuing gadyet.”

Ano sa palagay mo? Nagkataon lang ba ang pambihirang mata ng peacock mantis shrimp? O may nagdisenyo nito?

[Picture Credit Line sa pahina 24]

Courtesy Stephen Childs