AWIT 98
Ang Kasulatan—Nagmula sa Diyos
-
1. Salita ng Diyos ay giya,
Sa dilim ay lampara.
Kung tapat nating susundin,
Kalayaan ay kakamtin.
-
2. Salita niya’y inilaan,
Tayo’y nakikinabang.
At itinutuwid tayo;
Tulong sa ’ting pagtuturo.
-
3. Pag-ibig ng Diyos nalaman
Dahil sa Kasulatan.
Araw-araw na basahin,
Patnubay sa ’ting landasin.
(Tingnan din ang Awit 119:105; Kaw. 4:13.)