Ikalawang Liham kay Timoteo 3:1-17

3  Pero sinasabi ko sa iyo na sa mga huling araw,+ magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan.  Dahil ang mga tao ay magiging makasarili,* maibigin sa pera, mayabang, mapagmataas, mamumusong, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, di-tapat,  walang likas na pagmamahal, ayaw makipagkasundo, maninirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, mabangis, napopoot sa kabutihan,  taksil, matigas ang ulo, mapagmalaki, maibigin sa kaluguran sa halip na maibigin sa Diyos,  at mukhang makadiyos pero iba naman ang paraan ng pamumuhay.+ Layuan mo sila.  At may ilan sa kanila na pumapasok sa mga sambahayan sa tusong paraan at minamanipula ang mahina at makasalanang mga babae na nagpapadala sa iba’t ibang pagnanasa  at laging nag-aaral pero hindi lubusang nakukuha ang tumpak na kaalaman sa katotohanan.  Sinasalungat nila ang katotohanan, kung paanong sinalungat nina Janes at Jambres si Moises. Talagang baluktot ang isip nila at hindi sila nakaaabot sa pamantayan ng pananampalataya.  Pero wala na silang ibang magagawa, dahil malinaw na makikita ng lahat ang kamangmangan nila, gaya ng nangyari sa dalawang lalaking iyon.+ 10  Pero ikaw, talagang binigyang-pansin mo ang aking turo, landasin sa buhay,+ tunguhin, pananampalataya, pagpapasensiya, pag-ibig, at pagtitiis* 11  at ang pag-uusig at paghihirap na dinanas ko sa Antioquia,+ Iconio,+ at Listra.+ Tiniis* ko ang mga pag-uusig na iyon, at iniligtas ako ng Panginoon mula sa lahat ng iyon.+ 12  Ang totoo, pag-uusigin din ang lahat ng gustong mamuhay nang may makadiyos na debosyon bilang mga alagad ni Kristo Jesus.+ 13  Pero ang masasamang tao at mga impostor ay lalo pang sásamâ. Sila ay manlíligaw at maililigaw.+ 14  Pero ikaw, patuloy mong sundin ang mga bagay na natutuhan mo at nahikayat na paniwalaan,+ dahil alam mo kung kanino mo natutuhan ang mga ito 15  at na mula pa noong sanggol ka+ ay alam mo na ang banal na mga kasulatan,+ na nagpaparunong sa iyo para maligtas ka sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Jesus.+ 16  Ang buong Kasulatan ay mula sa Diyos+ at kapaki-pakinabang sa pagtuturo,+ pagsaway, pagtutuwid,+ at pagdidisiplina ayon sa katuwiran,+ 17  para ang lingkod ng Diyos ay maging lubos na may kakayahan, na handang-handa para sa bawat mabuting gawa.

Talababa

O “maibigin sa sarili.”
O “pagbabata.”
O “Binatâ.”

Study Notes

magkakaroon muna ng apostasya: Nalinlang ang ilang Kristiyano sa Tesalonica may kinalaman sa “presensiya ng ating Panginoong Jesu-Kristo” at “araw ni Jehova.” Kaya ipinaalala sa kanila ni Pablo ang dalawang pangyayari na kailangan munang maganap: (1) Magkakaroon ng apostasya (tingnan ang study note sa apostasya sa talatang ito) at (2) masisiwalat ang “napakasamang tao.” (2Te 2:1-3) Ang inihula ni Pablo tungkol sa paglaganap ng apostasya sa kongregasyong Kristiyano ay kaayon ng ilustrasyon ni Jesus tungkol sa trigo at panirang-damo. (Mat 13:24-30, 36-43) Nagbabala si Pablo na makakapasok ang mga apostata sa kongregasyon; ganiyan din ang sinabi ni apostol Pedro nang maglaon.—Gaw 20:29, 30; 1Ti 4:1-3; 2Ti 4:3, 4; 2Pe 2:1-3.

sa mga huling araw: Nasa anyong panghinaharap ang pandiwang ginamit ni Pablo nang sabihin niyang “sa mga huling araw, magiging mapanganib . . . ang kalagayan.” (Tingnan din ang 2Ti 3:2, 13.) Kaya ang panahong tinutukoy niya noon ay paparating pa lang—ang “mga huling araw” ng sistemang umiiral sa panahon ng di-nakikitang presensiya ni Jesus. (Tingnan sa Glosari, “Huling araw, mga.”) Darating ang “mga huling araw” na ito kapag nangyari na ang inihulang apostasya at kapag naisiwalat na ang “napakasamang tao,” gaya ng binabanggit sa 2Te 2:3-12. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:3; 1Ti 4:1.) Pagkatapos, binanggit ni Pablo ang masasamang katangian na mangingibabaw sa mga tao sa panahong iyon. (2Ti 3:1-5; tingnan ang study note sa 2Ti 3:5.) Ang isang dahilan ng pagsamâ ng ugali ng mga tao ay ang paglaganap ng apostasya.

mapanganib at mahirap ang kalagayan: Ang ekspresyong ito ay salin ng dalawang terminong Griego na ginamit ni Pablo para ilarawan ang napakahirap na panahong tinawag niyang “mga huling araw.” Ang salitang Griego na kai·rosʹ ay madalas tumukoy sa isang espesipikong yugto ng panahon at puwede ring isaling “takdang panahon.” (Tingnan ang study note sa Gaw 1:7.) Idinugtong dito ni Pablo ang salitang Griego na kha·le·posʹ, na isinalin ditong “mahirap.” Ayon sa ilang diksyunaryo, nangangahulugan itong “delikado” o “nakaka-stress.” Sa Mat 8:28, isinalin ang salitang ito na “napakabangis” para ilarawan ang dalawang lalaking sinasaniban ng demonyo. Nagbabala si Pablo na dahil sa masasamang ugali ng mga tao (2Ti 3:2-5, 13), ang kalagayan sa “mga huling araw” ay magiging “mapanganib at mahirap,” o “nakaka-stress,” gaya ng sinasabi ng ibang reperensiya.

Layuan mo sila: Kababanggit lang ni Pablo sa hula niya kung gaano kasama ang magiging ugali ng mga tao “sa mga huling araw”; pero alam niyang kahit sa panahon niya, may mga taong ganiyan na rin ang ugali. (Tingnan ang study note sa 2Ti 3:1, 2.) Sa pandiwang ginamit dito ni Pablo, parang sinasabi niya na lumayo sa mga taong binanggit niya dahil napakamapanganib nila. Maliwanag na idiniriin niya na kailangan ng mga Kristiyano na iwasan hangga’t posible ang mga taong may mga ganitong katangian. Siyempre magiging mabait pa rin ang mga Kristiyano sa pakikitungo sa mga taong iyon, pero hindi sila makikipagkaibigan sa mga iyon.—Tingnan ang study note sa 2Ti 2:24.

may ilan na tatalikod sa pananampalataya: Inihula ni Pablo na itatakwil ng ilang nag-aangking Kristiyano ang mga turo ng Diyos na nasa Kasulatan at iiwan ang tunay na pagsamba. Ang pandiwang Griego na isinalin ditong “tatalikod” ay literal na nangangahulugang “lalayo” at puwede ring isaling “hihiwalay; magtatakwil.” (Gaw 19:9; 2Ti 2:19; Heb 3:12) Kaugnay ito ng pangngalang isinasaling “apostasya.”—Tingnan ang study note sa 2Te 2:3.

mga panahon o kapanahunan: Ang anyong pangmaramihan ng salitang Griego na khroʹnos, na isinaling mga panahon, ay puwedeng tumukoy sa isang yugto ng panahon na walang espesipikong haba. Puwede itong maging maikli o mahaba. Ang salitang Griego na kai·rosʹ (isinasalin kung minsan na “takdang panahon”; ang pangmaramihang anyo ay isinalin ditong kapanahunan) ay madalas gamitin para tumukoy sa panahon sa hinaharap, na nasa talaorasan o kaayusan ng Diyos, partikular na ang may kaugnayan sa presensiya ni Kristo at sa kaniyang Kaharian.—Gaw 3:19; 1Te 5:1; tingnan ang study note sa Mar 1:15; Luc 21:24.

pag-ibig sa pera: Posibleng galing sa isang kilaláng kasabihan noong panahon ni Pablo ang sinabi niya na “ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang bagay” ang pag-ibig sa pera. Hindi niya sinabing masama ang pera dahil may pakinabang din ito sa ngayon. (Ec 7:12; 10:19) Ang pag-ibig sa pera ang talagang masama. Sa talata 5, sinabi ni Pablo na may pag-ibig sa pera ang ilang huwad na mga guro, kaya naman nilinaw niya sa naunang bahagi ng liham niya na ang isang tagapangasiwa ay dapat na “hindi maibigin sa pera.” (1Ti 3:1, 3 at study note) Sinasabi sa Kasulatan ang iba pang panganib ng pag-ibig sa pera. Hindi kailanman makokontento ang may ganitong pag-ibig. (Ec 5:10) At ang mas masama pa, kaya nitong masapawan at maalis pa nga ang pag-ibig ng tao sa Diyos. (Mat 6:24; tingnan ang study note sa Luc 16:9.) Kaya naman ang pag-ibig sa pera ay talagang ugat, o dahilan, ng napakaraming “nakapipinsalang bagay”; nagdudulot ito ng mga “kirot” na binanggit ni Pablo sa sumunod na talata.

Dahil ang mga tao ay magiging: Bumanggit si Pablo ng mga 20 masasamang ugali na makikita sa mga tao sa “mga huling araw.” Nang isulat ito ni Pablo, lilipas pa ang mahabang panahon bago ito dumating. (2Ti 3:1 at study note) Hindi naman sinasabi ni Pablo na walang ganitong masasamang ugali noong panahon niya. Ang totoo, pinayuhan niya pa nga si Timoteo na “layuan” ang mga taong may ganitong ugali, kaya maliwanag na problema na rin ito noon. (Tingnan ang study note sa 2Ti 3:5; ihambing ang Mar 7:21, 22.) Pero sinasabi niya na darating ang panahon na mangingibabaw ang mga ugaling ito sa mga tao.

maibigin sa pera: Tingnan ang study note sa 1Ti 6:10.

mayabang, mapagmataas: Gustong-gustong ipagsabi ng mayabang ang mga abilidad niya, katangian, at kayamanan, at kadalasan nang sobra ito sa kung ano lang ang totoo. Iniisip naman ng mapagmataas na nakahihigit siya sa iba. Halos magkasingkahulugan ang mga salitang ito, pero ang ‘pagyayabang’ ay mas nauugnay sa pagsasalita, at ang ‘pagmamataas’ naman ay mas nauugnay sa isip at damdamin.

mamumusong: O “nagsasalita ng mapang-abuso.” Gumamit dito si Pablo ng salitang Griego (blaʹsphe·mos) na tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng “mapamusong, mapanira, at mapang-insulto.” Sa “mga huling araw,” maraming tao ang magsasalita ng mapang-abuso laban sa Diyos at sa kapuwa nila.—2Ti 3:1.

masuwayin sa magulang: Daan-daang taon bago ang panahon ng mga Kristiyano, iniutos sa Kautusang Mosaiko na parangalan ng mga anak ang mga magulang nila. (Exo 20:12; Mat 15:4) Sa kongregasyong Kristiyano, tinuturuan din ang mga anak na sundin at igalang ang kanilang mga magulang. (Efe 6:1, 2) Kahit sa mga Griego at Romano noon, na hindi sumasamba kay Jehova, maling-mali at hindi normal sa mga bata na magrebelde sa mga magulang nila. (Ro 2:14, 15) Halimbawa, sa Gresya, maiwawala ng isang tao ang karapatan niya bilang mamamayan kapag sinaktan niya ang magulang niya. Sa batas naman ng Roma, itinuturing na kasimbigat ng pagpatay ang pananakit sa ama. Pero inihula dito ni Pablo na darating ang panahon, magiging karaniwan na lang ang pagsuway sa magulang. Ayon sa isang reperensiya, “tanda ito ng nabubulok na lipunan.”

walang utang na loob: Baka isipin ng ilan na talagang karapat-dapat sila sa kung anuman ang natatanggap nila mula sa kanilang magulang, sa ibang tao, o maging sa Diyos. (Luc 6:35) Ang ganitong saloobin ay indikasyon ng pagiging makasarili.

di-tapat: O “walang tapat na pag-ibig.” (Tingnan din ang 1Ti 1:9, tlb.) Puwedeng mangahulugan ang salitang Griego na ginamit dito ng pagiging di-tapat sa tao at sa Diyos. Malawak ang kahulugan ng terminong ito at puwede ring tumukoy sa pagiging “di-banal; walang galang.” Kaya puwedeng tumukoy ang salitang ito sa mga taong walang galang sa banal na mga bagay, o gaya ng sinabi ng isang diksyunaryo, “walang itinuturing na banal.” Binabale-wala ng isang di-tapat na tao ang kahalagahan ng pagiging tapat at ang pagganap ng kaniyang pananagutan sa kapuwa niya at kahit sa Diyos.

Layuan mo sila: Kababanggit lang ni Pablo sa hula niya kung gaano kasama ang magiging ugali ng mga tao “sa mga huling araw”; pero alam niyang kahit sa panahon niya, may mga taong ganiyan na rin ang ugali. (Tingnan ang study note sa 2Ti 3:1, 2.) Sa pandiwang ginamit dito ni Pablo, parang sinasabi niya na lumayo sa mga taong binanggit niya dahil napakamapanganib nila. Maliwanag na idiniriin niya na kailangan ng mga Kristiyano na iwasan hangga’t posible ang mga taong may mga ganitong katangian. Siyempre magiging mabait pa rin ang mga Kristiyano sa pakikitungo sa mga taong iyon, pero hindi sila makikipagkaibigan sa mga iyon.—Tingnan ang study note sa 2Ti 2:24.

sa mga huling araw: Nasa anyong panghinaharap ang pandiwang ginamit ni Pablo nang sabihin niyang “sa mga huling araw, magiging mapanganib . . . ang kalagayan.” (Tingnan din ang 2Ti 3:2, 13.) Kaya ang panahong tinutukoy niya noon ay paparating pa lang—ang “mga huling araw” ng sistemang umiiral sa panahon ng di-nakikitang presensiya ni Jesus. (Tingnan sa Glosari, “Huling araw, mga.”) Darating ang “mga huling araw” na ito kapag nangyari na ang inihulang apostasya at kapag naisiwalat na ang “napakasamang tao,” gaya ng binabanggit sa 2Te 2:3-12. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:3; 1Ti 4:1.) Pagkatapos, binanggit ni Pablo ang masasamang katangian na mangingibabaw sa mga tao sa panahong iyon. (2Ti 3:1-5; tingnan ang study note sa 2Ti 3:5.) Ang isang dahilan ng pagsamâ ng ugali ng mga tao ay ang paglaganap ng apostasya.

walang likas na pagmamahal: Sa pariralang ito, na isinaling “walang puso” sa ilang Bibliya, ginamit ang salitang Griego na aʹstor·gos, na may unlaping a, na nangangahulugang “wala,” at stor·geʹ, na nangangahulugang “likas na pagmamahal.” Tumutukoy ang terminong ito sa kawalan ng likas na pagmamahal sa pagitan ng magkakapamilya, lalo na sa pagitan ng mga magulang at mga anak. Hindi natin maaasahan ang isang tao na mapanatili ang magandang kaugnayan sa iba kung wala siyang likas na pagmamahal sa mga kapamilya niya. Kaayon ng sinabi ni Pablo, iniulat ng mga istoryador mula sa panahon ng mga Griego at Romano ang tungkol sa mga pamilyang inabandona ng mga ama; matatandang magulang na pinabayaan ng mga anak; at mga anak na pinatay ng mga magulang dahil hindi sila gusto ng mga ito kasi mahina sila o may diperensiya. Ginamit ni Pablo ang terminong ito dito sa Ro 1:31 para ilarawan kung gaano na kalayo ang mga tao sa pagiging perpekto. Sa 2Ti 3:3, ginamit niya ito para ilarawan ang magiging ugali ng mga tao sa mga huling araw.

Diyablo: Mula sa salitang Griego na di·aʹbo·los, na nangangahulugang “maninirang-puri.” (Ju 6:70; 2Ti 3:3) Ang kaugnay na pandiwang di·a·balʹlo ay nangangahulugang “mag-akusa; magbintang” at isinaling ‘inakusahan’ sa Luc 16:1.

maninirang-puri: O “diyablo.” Ang salitang Griego na di·aʹbo·los, na karaniwang tumutukoy sa Diyablo, ay nangangahulugang “maninirang-puri.” Kapag hindi ito tumutukoy sa Diyablo, isinasalin itong “naninirang-puri” (1Ti 3:11; Tit 2:3) o “maninirang-puri” (2Ti 3:3). Sa Griego, kapag ginagamit ito para sa Diyablo, halos lagi itong nilalagyan ng tiyak na pantukoy. (Tingnan ang study note sa Mat 4:1 at Glosari, “Tiyak na pantukoy.”) Dito, ginamit ang terminong ito para ilarawan si Hudas Iscariote, na naging masama. Posible na sa pagkakataong ito, nakita ni Jesus na nagsisimula nang maging masama si Hudas. At nang maglaon, nagamit siya ni Satanas para maipapatay si Jesus.—Ju 13:2, 11.

pagpipigil sa sarili: Apat na beses lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang salitang Griego dito para sa “pagpipigil sa sarili.” (Gaw 24:25; 2Pe 1:6) Ang katangiang ito ay nangangahulugang “pagpipigil na magpadala sa damdamin, pabigla-biglang desisyon, o kagustuhan.” Isang kaugnay na pandiwang Griego ang ginamit sa 1Co 9:25 (tingnan ang study note), kung saan sinabi ni Pablo tungkol sa mga atleta na kasali sa mga palaro: “Ang lahat ng kasali sa isang paligsahan ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng bagay.” Ginamit din ng Septuagint ang pandiwang Griego na ito sa Gen 43:31 nang sabihin nito na ‘kinontrol ni Jose ang damdamin’ niya. Ang pandiwang Hebreo sa Gen 43:31 ay ginamit din sa Isa 42:14, kung saan mababasa na sinabi ni Jehova: “Nagpigil [ako] sa sarili.” Sa halip na parusahan agad ang mga nagkasala, pinalipas muna ni Jehova ang panahon para magkaroon sila ng pagkakataong magbago at makuha ang pagsang-ayon niya.—Jer 18:7-10; 2Pe 3:9.

Isa lang ang mabuti, ang Diyos: Dito, kinilala ni Jesus na ang pamantayan ng kabutihan ay si Jehova, at siya lang ang may karapatan na magtakda ng kung ano ang mabuti at masama. Nang kumain sina Adan at Eva ng ipinagbabawal na bunga mula sa puno ng pagkaalam ng mabuti at masama, nangahas silang agawin ang karapatang iyon. (Gen 2:17; 3:4-6) Di-gaya nila, mapagpakumbabang nagpapasakop si Jesus sa mga itinakdang pamantayan ng kaniyang Ama. Ipinakita at ipinaliwanag ng Diyos kung ano ang mabuti sa pamamagitan ng kaniyang Salita.​—Mar 10:19.

walang likas na pagmamahal: Tingnan ang study note sa Ro 1:31.

ayaw makipagkasundo: Inihula rito ni Pablo ang panahon kung kailan ang mga tao ay ayaw makipagtulungan para masolusyunan ang isang problema o maayos ang di-pagkakasundo. Ang salitang Griego na ito ay puwedeng literal na isaling “walang kasunduan.” Karaniwang ginagamit noon ang terminong ito para sa mga bansang hindi magkasundo. Puwede rin itong gamitin sa mga taong hindi magkaayos. Sa ibang salin, ginamit ang “ayaw makipag-ayos” o “ayaw makipagtulungan” para ipanumbas sa salitang ito. Ganito ang sinabi ng isang reperensiya: “Ipinapahiwatig ng salitang ito na malupit at sarado ang isip ng isang tao at hindi nawawala ang galit niya kaya nailalayo siya nito sa kaniyang kapuwa.”

maninirang-puri: Sa Bibliya, ang salitang Griego para sa “maninirang-puri” (di·aʹbo·los) ay pinakamadalas na isinasaling “Diyablo” bilang titulo ni Satanas, ang pinakamasamang maninirang-puri ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Mat 4:1 at Glosari, “Diyablo.”) Pero sa ilang pagkakataon, ang terminong ito ay tumutukoy lang sa katangian at isinasaling “maninirang-puri” o “naninirang-puri.” (1Ti 3:11; Tit 2:3) Sa hula ni Pablo tungkol sa “mga huling araw” (2Ti 3:1), ginamit niya ang salitang ito para tumukoy sa mga taong gustong sirain ang reputasyon ng kapuwa niya o ng Diyos sa pamamagitan ng maling mga akusasyon o iba pang kasinungalingan.—Tingnan ang study note sa Ju 6:70, kung saan ginamit ang terminong ito para kay Hudas Iscariote.

walang pagpipigil sa sarili: Madaling magalit o mahulog sa imoralidad at iba pang makasariling pagnanasa ang isang tao na walang pagpipigil sa sarili. Ang mga tao sa mga huling araw ay “makasarili” at “maibigin sa kaluguran sa halip na maibigin sa Diyos,” at isang dahilan ito kung bakit wala silang pagpipigil sa sarili. (2Ti 3:2, 4) Pag-ibig sa Diyos ang pangunahing nag-uudyok sa mga tao na huwag magpadala sa tukso, pero wala nito ang karamihan. Wala rin sa kanila ang espiritu ng Diyos, na tumutulong sa kanilang makapagpakita ng pagpipigil sa sarili. Sa Mat 23:25, ang pangngalang Griego na kaugnay ng ekspresyon para sa “walang pagpipigil sa sarili” ay isinaling “pagpapakasasa.”—Para sa paliwanag sa ekspresyong “pagpipigil sa sarili,” tingnan ang study note sa Gal 5:23.

mabangis: Ang salitang Griego na ginamit dito ni Pablo ay literal na nangangahulugang “hindi mapaamo.” Puwede rin itong isaling “brutal; malupit; mabagsik,” at nagpapahiwatig ito ng “pagiging walang puso.” (Ihambing ang Mat 24:12.) Noong panahon ni Pablo, madalas gamitin ang terminong ito para sa mababangis na hayop at tao.

napopoot sa kabutihan: Ang ekspresyong ito ay salin ng salitang Griego na dito lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Malawak ang kahulugan nito at puwede ring tumukoy sa mga napopoot sa mabubuting tao. Puwede rin itong tumukoy sa mga walang interes na gumawa ng mabubuting bagay para sa iba. Imposibleng mahalin ng ganitong mga tao si Jehova, dahil ang Diyos ang mabuti sa sukdulang diwa.—Tingnan ang study note sa Mar 10:18.

taksil: Ang pangngalang Griego para dito ay ginamit din para kay Hudas Iscariote sa Luc 6:16, kung saan isinalin itong “traidor.”—Tingnan din ang Gaw 7:52.

matigas ang ulo: Ginamit dito ni Pablo ang salitang Griego na literal na nangangahulugang “nasusubsob.” Inilalarawan nito ang mga taong itinutuloy pa rin ang gusto nilang gawin kahit na binabalaan na sila at alam nilang masama ang puwedeng maging resulta ng gagawin nila. Puwede ring isalin ang salitang Griegong ito na “padalos-dalos.” Ayon sa isang reperensiya, ang matitigas ang ulo o mga padalos-dalos kumilos ay “walang pakialam sa anumang puwedeng mangyari kahit pa mapinsala o masaktan ang kapuwa nila.” Ganito naman ang sinabi ng isa pang reperensiya: “Walang makakapigil sa matigas ang ulo na makuha ang gusto niya.” Dalawang beses lang lumitaw ang salitang ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito at sa Gaw 19:36, kung saan binabalaan ng tagapagtala ng lunsod ang galít na mga tao sa Efeso na “huwag . . . magpadalos-dalos.”

mapagmalaki: Ang pandiwang Griego na ginamit dito (ty·phoʹo·mai) ay kaugnay ng salita para sa “usok.” Puwede itong tumukoy sa isang tao na napapalibutan ng makapal na usok at hindi na makakita dahil dito. Tatlong beses na lumitaw ang terminong ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, at lumilitaw na lagi itong tumutukoy sa isang tao na nabubulagan, o hindi na nakakaintindi, dahil sa pagiging mapagmalaki. (1Ti 3:6; 6:4; 2Ti 3:4) Sa ibang Bibliya, isinalin itong “hangang-hanga sa sarili” o “malaki ang ulo.” Ayon sa isang reperensiya, tinutukoy ng salitang ito ang “mga taong nag-iisip na sila lang ang laging magaling.” Ito rin ang salitang ginamit ng Judiong manunulat na si Josephus nang ilarawan niya ang ilang awtor na Griego na mababa ang tingin sa mga Judio at naninira sa mga ito.

maibigin sa kaluguran sa halip na maibigin sa Diyos: Hindi sinasabi dito ni Pablo na mas iibigin ng mga tao ang kaluguran kaysa sa Diyos, kundi iibigin nila ang kaluguran imbes na ang Diyos. Hindi sinasabi ng Bibliya na maling maging masaya ang mga tao, pero nagbababala ito laban sa pagpopokus sa kaluguran imbes na sa pagpapatibay sa kaugnayan sa Diyos.—Ihambing ang Luc 12:19-21; 1Ju 2:15.

Dahil ang mga tao ay magiging: Bumanggit si Pablo ng mga 20 masasamang ugali na makikita sa mga tao sa “mga huling araw.” Nang isulat ito ni Pablo, lilipas pa ang mahabang panahon bago ito dumating. (2Ti 3:1 at study note) Hindi naman sinasabi ni Pablo na walang ganitong masasamang ugali noong panahon niya. Ang totoo, pinayuhan niya pa nga si Timoteo na “layuan” ang mga taong may ganitong ugali, kaya maliwanag na problema na rin ito noon. (Tingnan ang study note sa 2Ti 3:5; ihambing ang Mar 7:21, 22.) Pero sinasabi niya na darating ang panahon na mangingibabaw ang mga ugaling ito sa mga tao.

mukhang makadiyos: Sinabi ni Pablo na sa “mga huling araw,” marami ang ‘magmumukhang’ makadiyos; ibig sabihin, pakitang-tao lang ang pagsamba nila. (2Ti 3:1) Ganito ang pinalitaw na ideya sa ilang salin ng Bibliya: “Gusto nilang relihiyoso ang tingin sa kanila ng iba” o “Magmumukha silang relihiyoso.” Kahit na sinasabi ng mga tao na sinasamba nila ang Diyos, kitang-kita naman sa masama nilang ginagawa o sa sobrang pagmamahal nila sa sarili, pera, o sa kaluguran na hindi totoo ang sinasabi nila.—2Ti 3:2-4.

iba naman ang paraan ng pamumuhay: Kayang magbago ng isang tao kung totoo siyang makadiyos. (Efe 4:22-24; Col 3:10) Pero kung nagkukunwari lang ang isa na naglilingkod sa Diyos, tinatanggihan niya, o binabale-wala pa nga, ang tulong ng Diyos. Hindi niya hinahayaang baguhin siya ng makadiyos na debosyon. (Ihambing ang Jud 4.) At dahil hindi totoo ang pananampalataya niya, hindi ito nakikita sa kaniyang ginagawa.—San 2:18-26.

Layuan mo sila: Kababanggit lang ni Pablo sa hula niya kung gaano kasama ang magiging ugali ng mga tao “sa mga huling araw”; pero alam niyang kahit sa panahon niya, may mga taong ganiyan na rin ang ugali. (Tingnan ang study note sa 2Ti 3:1, 2.) Sa pandiwang ginamit dito ni Pablo, parang sinasabi niya na lumayo sa mga taong binanggit niya dahil napakamapanganib nila. Maliwanag na idiniriin niya na kailangan ng mga Kristiyano na iwasan hangga’t posible ang mga taong may mga ganitong katangian. Siyempre magiging mabait pa rin ang mga Kristiyano sa pakikitungo sa mga taong iyon, pero hindi sila makikipagkaibigan sa mga iyon.—Tingnan ang study note sa 2Ti 2:24.

mabait sa lahat: Pinasigla ni Pablo si Timoteo na maging mabait sa lahat, di-gaya ng palaaway na mga huwad na guro sa Efeso na nakakasira ng pagkakaisa. (2Ti 2:23) Ang ekspresyong Griegong ito ay puwede ring isaling “maingat sa pakikitungo sa lahat.” Natutong maging mabait si Pablo. Bago siya maging Kristiyano, hindi siya mabait o maingat sa pakikitungo, dahil napakasigasig niya sa pagtataguyod ng tradisyon ng Judaismo. Nilalait at pinagmamalupitan niya ang mga tagasunod ni Kristo. Pero naging mabait pa rin si Jesus sa kaniya. (Gaw 8:3; 9:1-6; Gal 1:13, 14; 1Ti 1:13) Natutuhan din ni Pablo na hindi isang kahinaan ang pagiging mabait. Kahit mabait siya, kaya niya pa ring magsalita nang deretsahan para ituwid ang mali. (1Co 15:34) Pero hindi siya masakit magsalita. Maingat siya sa pakikitungo sa mga kapananampalataya niya at mahal niya sila. (1Te 2:8) Sinikap niyang maging mapagmahal at mabait “gaya ng isang ina.” (Tingnan ang study note sa 1Te 2:7.) Gusto niyang tularan siya ni Timoteo na mabait “sa lahat,” pati na sa magugulo at masuwaying mga Kristiyano at sa mga mang-uusig sa labas ng kongregasyon. Dapat itaguyod ni Timoteo ang pagkakaisa at pag-ibig, hindi ang pag-aaway at pagkakabaha-bahagi.—2Ti 2:23, 25.

sa mga huling araw: Nasa anyong panghinaharap ang pandiwang ginamit ni Pablo nang sabihin niyang “sa mga huling araw, magiging mapanganib . . . ang kalagayan.” (Tingnan din ang 2Ti 3:2, 13.) Kaya ang panahong tinutukoy niya noon ay paparating pa lang—ang “mga huling araw” ng sistemang umiiral sa panahon ng di-nakikitang presensiya ni Jesus. (Tingnan sa Glosari, “Huling araw, mga.”) Darating ang “mga huling araw” na ito kapag nangyari na ang inihulang apostasya at kapag naisiwalat na ang “napakasamang tao,” gaya ng binabanggit sa 2Te 2:3-12. (Tingnan ang study note sa 2Te 2:3; 1Ti 4:1.) Pagkatapos, binanggit ni Pablo ang masasamang katangian na mangingibabaw sa mga tao sa panahong iyon. (2Ti 3:1-5; tingnan ang study note sa 2Ti 3:5.) Ang isang dahilan ng pagsamâ ng ugali ng mga tao ay ang paglaganap ng apostasya.

pumapasok sa mga sambahayan sa tusong paraan: Kasama ang masasamang taong ito sa mga “mukhang makadiyos pero iba naman ang paraan ng pamumuhay.” (2Ti 3:5) Ipinapahiwatig ng pandiwang Griego na isinaling “pumapasok . . . sa tusong paraan” na mapagpanggap at manloloko ang mga taong ito. Puwede rin itong isaling “nakakalusot.” Posibleng tinutukso ng mga lalaking ito ang ‘mahihinang babae’ na gumawa ng imoralidad.

mahina at makasalanang mga babae: Tinutukoy dito ni Pablo ang ilang babae sa kongregasyon na mahina ang espirituwalidad; hindi sila napopoot sa masama. Kaya nagpapadala sila sa iba’t ibang pagnanasa, o posibleng matindi ang kanilang makasalanang pagnanasa. Madaling mamanipula o maimpluwensiyahan ng masasamang lalaki ang ganitong mga babae. Posibleng nililinlang sila ng mga lalaking ito para isiping mapapatawad sila ng maawaing Diyos kahit na magkasala sila.—Jud 4.

tumpak na kaalaman: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, may dalawang salita na karaniwang isinasaling “kaalaman,” ang gnoʹsis at e·piʹgno·sis. Ang salitang ginamit dito, e·piʹgno·sis, ay pinatinding anyo ng gnoʹsis (e·piʹ, literal na nangangahulugang “sa ibabaw” pero nangangahulugan ditong “karagdagan”). Puwede itong mangahulugang “eksakto, totoo, o lubos na kaalaman,” depende sa konteksto. (Tingnan ang study note sa Ro 10:2.) Dito, ginamit ni Pablo ang salitang ito para ipakitang kailangan ng isang may-gulang na Kristiyano na maging kaisa ng mga kapananampalataya niya habang sinisikap niyang magkaroon ng tumpak na kaalaman tungkol sa Anak ng Diyos, si Kristo Jesus.—1Co 1:24, 30; Efe 3:18; Col 2:2, 3; 2Pe 1:8; 2:20.

laging nag-aaral: Kahit na nag-aaral ang mga babaeng tinutukoy dito ni Pablo, hindi sila nagsisikap na lubusang makuha ang “tumpak na kaalaman sa katotohanan.” Hindi lang basta impormasyon ang taglay ng mga Kristiyanong may “tumpak na kaalaman.” (Tingnan ang study note sa Efe 4:13.) Sumusulong sila at nagkakaroon ng kaisipang gaya ng kay Jehova at lubusang sumusunod sa matuwid na mga pamantayan niya.—Efe 3:17-19; Col 1:9, 10; 2:6, 7.

Janes at Jambres: Hindi makikita sa Hebreong Kasulatan ang pangalan ng dalawang lalaking ito na nabuhay noong panahon ni Moises, pero sa patnubay ng banal na espiritu, binanggit ni Pablo ang pangalan nila. (2Ti 3:16) Malamang na mataas ang katungkulan ng mga lalaking ito sa palasyo ng Paraon sa Ehipto, at posibleng pinuno ang mga ito ng mga mahikong saserdote na kumalaban kay Moises. (Exo 7:11, 22; 8:7, 18, 19; 9:11) Makikita din ang pangalan nila sa mga sinaunang akdang Judio, na ang ilan ay lumilitaw na mula pa noong unang siglo B.C.E. May ilang di-Judiong manunulat noong una at ikalawang siglo C.E. na bumanggit din sa mga lalaking ito. Binanggit ni Pablo ang mga lalaking ito para patibayin si Timoteo na hindi magtatagumpay ang huwad na mga guro sa Efeso.

Janes at Jambres: Hindi makikita sa Hebreong Kasulatan ang pangalan ng dalawang lalaking ito na nabuhay noong panahon ni Moises, pero sa patnubay ng banal na espiritu, binanggit ni Pablo ang pangalan nila. (2Ti 3:16) Malamang na mataas ang katungkulan ng mga lalaking ito sa palasyo ng Paraon sa Ehipto, at posibleng pinuno ang mga ito ng mga mahikong saserdote na kumalaban kay Moises. (Exo 7:11, 22; 8:7, 18, 19; 9:11) Makikita din ang pangalan nila sa mga sinaunang akdang Judio, na ang ilan ay lumilitaw na mula pa noong unang siglo B.C.E. May ilang di-Judiong manunulat noong una at ikalawang siglo C.E. na bumanggit din sa mga lalaking ito. Binanggit ni Pablo ang mga lalaking ito para patibayin si Timoteo na hindi magtatagumpay ang huwad na mga guro sa Efeso.

wala na silang ibang magagawa: Binabalaan ni Pablo ang mga tagapangasiwa sa Efeso na magkakaroon ng huwad na mga guro. (Gaw 20:29, 30) Sa unang tingin, para bang nagtatagumpay ang masasamang lalaking ito sa pag-impluwensiya at pagsira sa pagkakaisa ng kongregasyon. At siguradong nabahala ang tapat na mga Kristiyano dahil doon. Pero tiniyak ni Pablo kay Timoteo na “wala na silang ibang magagawa.” Ikinumpara niya ang huwad na mga gurong iyon kina Janes at Jambres, na kumalaban kay Moises at posibleng pinuno ng mga mahikong saserdote sa Ehipto. (Tingnan ang study note sa 2Ti 3:8.) Makikita sa ulat nito sa Exodo na kahit nagaya ng mga mahikong saserdote ang unang dalawang himala ni Moises, hindi nila iyon naipagpatuloy. Mula sa ikatlong salot, wala na silang kakayahang gayahin ang mga himala ni Jehova o protektahan man lang ang sarili nila.—Exo 8:16-19; 9:10, 11.

malinaw na makikita ng lahat ang kamangmangan nila: Pinatibay ni Pablo si Timoteo na malalaman ng buong kongregasyon na mangmang ang huwad na mga guro. Magiging kagaya sila nina Janes at Jambres, ang dalawang lalaking kababanggit lang ni Pablo. Nakita ng lahat noon na mangmang ang mga lalaking ito dahil kinalaban nila si Jehova.

Pero ikaw, talagang binigyang-pansin mo: Idiniriin dito ni Pablo ang kaibahan ni Timoteo sa huwad na mga guro. Sa loob ng 14 na taon o higit pa, natuto si Timoteo kay Pablo at natularan niya ito sa maraming bagay—sa pagtuturo, paraan ng pamumuhay (o paggawi), pagiging pokus sa atas, pagkakaroon ng matibay at di-natitinag na pananampalataya, at sa pagiging mapagpasensiya, mapagmahal, at matiisin. Hindi nagyayabang si Pablo nang sabihin niyang dapat tularan ang halimbawa niya. Sinasabi lang niya ang totoo, at ginabayan siya ng espiritu para isulat ito. Tinularan niya si Kristo, kaya karapat-dapat lang siyang tularan.—Ihambing ang 1Co 11:1; Fil 3:17; Heb 13:7.

sa Antioquia, Iconio, at Listra: Noong unang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero, naranasan nila ni Bernabe na itapon sa labas ng Antioquia sa Pisidia. Pinagbantaan din sila sa Iconio na pagbababatuhin. Sa Listra, talagang pinagbabato si Pablo at halos mamatay siya. (Gaw 13:14, 50; 14:1-5, 8, 19) Tinulungan siya ng isang grupo ng mga alagad, at posibleng kasama dito si Timoteo, na lumilitaw na taga-Listra. (Gaw 14:20; 16:1) “Talagang binigyang-pansin” ni Timoteo ang katapatan at pagtitiis ni Pablo, kaya siguradong alam niya ang “pag-uusig at paghihirap na dinanas” ni Pablo sa tatlong lunsod na nabanggit. (2Ti 3:10) Binanggit ni Pablo kay Timoteo ang mga karanasang iyon para patibayin siya na makakayanan niya rin ang mga pag-uusig na mapapaharap sa kaniya.—2Ti 3:12.

iniligtas ako ng Panginoon mula sa lahat ng iyon: Madalas banggitin ni Pablo na kailangan siyang iligtas, at sinasabi niyang ang Diyos na Jehova (2Co 1:8-10) at si Jesu-Kristo (1Te 1:10) ang nagliligtas sa kaniya. Kaya sa kontekstong ito, ang “Panginoon” ay puwedeng tumukoy kay Jehova o kay Jesus. Sinasabi ng ilan na kinuha ni Pablo ang pananalitang ito sa Aw 34:19.

lahat ng gustong mamuhay nang may makadiyos na debosyon: Posibleng ang salitang Griego na isinalin ditong ‘gusto’ ay hindi lang basta tumutukoy sa kagustuhan; ang anyo ng pandiwang ginamit dito ay nagpapahiwatig ng di-nagbabagong determinasyon. Ganito ang sinabi ng isang reperensiya tungkol sa epekto ng pagiging determinado na mamuhay nang may “makadiyos na debosyon”: “Kapag naiiba ka sa mga tao at iba ang mga pamantayan mo at tunguhin, lagi kang manganganib.” (Tingnan ang study note sa 1Ti 4:7.) Ipinapakita dito ni Pablo na ang mga may makadiyos na debosyon ay siguradong pag-uusigin. (Gen 3:15; Apo 12:9, 17) Napaharap si Kristo sa mga panganib at pag-uusig. Naranasan din iyan nina Pablo at Timoteo, kaya mararanasan din ito ng lahat ng tunay na Kristiyano.—Ju 15:20; Gaw 17:3; Fil 3:10; 2Ti 2:3.

makadiyos na debosyon: Ang salitang Griego na ginamit dito (eu·seʹbei·a) ay tumutukoy sa matinding paggalang at paghanga sa Diyos na ipinapakita ng isang Kristiyano sa pamamagitan ng paglilingkod nang tapat at lubusang pagsunod sa Diyos. Malawak ang kahulugan ng salitang ito; tumutukoy rin ito sa tapat na pag-ibig o malapít na kaugnayan sa Diyos ng isang tao na nag-uudyok sa kaniya na gawin ang gusto ng Diyos. Kaya binanggit sa isang diksyunaryo na ang pinakadiwa talaga ng salitang ito ay “mamuhay sa paraang gusto ng Diyos.” Ipinakita rin ni Pablo na hindi tayo ipinanganak na may makadiyos na debosyon. Kaya pinayuhan niya si Timoteo na magsikap nang husto gaya ng isang atleta para mapasulong pa ang ganitong katangian. Sa naunang bahagi ng liham na ito, ipinaalala ni Pablo kay Timoteo na si Jesu-Kristo ang pinakamahusay na halimbawa sa pagpapakita ng makadiyos na debosyon.—Tingnan ang study note sa 1Ti 3:16.

masasamang tao at mga impostor: Dito, posibleng kasama sa “masasamang tao” ang mga nagpapakita ng masasamang ugali na binanggit sa 2Ti 3:2-5. Pero malamang na itinatago ng mga “impostor” ang kasamaan nila at nagpapanggap silang matuwid. Isang beses lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang salitang Griego na isinaling “impostor.” Karaniwang tumutukoy noon ang terminong ito sa mga mangkukulam at salamangkero. Dahil alam ng mga tao na nagpapanggap lang ang mga ito, ginamit na rin ang salitang ito para tumukoy sa mga manggagantso o impostor, gaya sa talatang ito. May mga impostor na “maililigaw,” posibleng dahil pinaniniwalaan na rin nila ang sarili nilang mga kasinungalingan.

kapaki-pakinabang na mga salita: Ang ekspresyong Griego para sa “kapaki-pakinabang na mga salita” ay isinaling “kapaki-pakinabang na mga tagubilin” sa 1Ti 6:3. Ipinaliwanag doon ni Pablo na ang tagubiling iyon ay “mula sa ating Panginoong Jesu-Kristo.” Kaya ang pariralang ito ay tumutukoy sa tunay na mga turong Kristiyano. (Tingnan ang study note sa 1Ti 6:3.) Kaayon ng lahat ng iba pang turo ng Bibliya ang mga itinuro at ginawa ni Jesus, kaya ang ekspresyong “kapaki-pakinabang [lit., “nakapagpapalusog”] na mga salita” ay puwede ring tumukoy sa lahat ng turo ng Bibliya.

iyong lolang si Loida: Malamang na nanay ni Eunice ang lola ni Timoteo na si Loida, at lumilitaw na nakatira ang pamilya nila sa lunsod ng Listra. (Gaw 16:1-3) Ang salitang Griego na mamʹme na ginamit dito ay isang magiliw na tawag ng isang bata sa lola niya; ang mas pormal na tawag para sa lola ay teʹthe. Ipinapakita ng salitang ginamit ni Pablo na malapít si Timoteo sa lola niya. Posibleng tinulungan ni Loida si Eunice sa pagtuturo kay Timoteo ng Hebreong Kasulatan.—Tingnan ang study note sa 2Ti 3:15.

patuloy mong sundin ang mga bagay na natutuhan mo: Kailangang manindigan ni Timoteo sa katotohanan, di-gaya ng “masasamang tao” na kababanggit lang ni Pablo. (2Ti 3:13) Nahikayat si Timoteo na paniwalaan ang mga katotohanang itinuro sa kaniya. Ang pananalitang ito ay salin ng salitang Griego na nangangahulugang lubusang kumbinsido. Pinag-isipang mabuti ni Timoteo ang itinuro sa kaniya ng nanay niya, lola niya, ni Pablo, at ng iba pa. Kaya kumbinsido siya na ang mga natutuhan niya ay makakasulatan, tumpak, at mapananaligan. Wala siyang dahilan para iwan ang mga turong napatunayan niyang totoo.—Ro 12:1, 2.

alam mo kung kanino mo natutuhan ang mga ito: Natutuhan ni Timoteo ang Hebreong Kasulatan mula sa nanay niyang si Eunice at lolang si Loida. (Tingnan ang mga study note sa 2Ti 1:5.) Pero noong Kristiyano na siya, marami siyang natutuhan mula kay Pablo at sa iba pang kapananampalataya niya.—Gaw 16:1, 2; 1Co 4:17; 2Ti 2:2; tingnan ang study note sa 2Ti 1:13.

inang si Eunice: Malamang na naging Kristiyano sina Eunice at Loida nang unang dumalaw si Pablo sa Listra noong mga 47-48 C.E. (Gaw 14:6) Sinabi ni Pablo na pareho ang mga ito na may ‘pananampalatayang walang halong pagkukunwari.’ Siguradong kinailangang magpakita ni Eunice ng ganiyang pananampalataya nang sumama si Timoteo kay Pablo sa mga paglalakbay nito bilang misyonero; alam niya na noong huling dumalaw si Pablo sa lunsod nila, pinagbabato ito at muntik nang mamatay. (Gaw 14:19) Ang halimbawa nina Eunice at Loida, pati na ang matiyagang pagtuturo nila, ay siguradong nakatulong para magkaroon si Timoteo ng ‘pananampalatayang walang halong pagkukunwari’ at sumulong nang husto. (Gaw 16:2; Fil 2:19-22; 1Ti 4:14) Talagang kahanga-hanga ang halimbawa nila dahil lumilitaw na ang Griegong ama ni Timoteo ay hindi Kristiyano na gaya ng kaniyang ina.—Tingnan ang study note sa Gaw 16:1, 3.

mula pa noong sanggol ka ay alam mo na ang banal na mga kasulatan: Batang-bata pa si Timoteo nang ituro sa kaniya ng nanay niyang si Eunice—at posibleng pati ng lola niyang si Loida—ang “banal na mga kasulatan” ng mga Judio, o ang Hebreong Kasulatan. (2Ti 1:5; 3:14; tingnan ang study note sa Ro 1:2.) Ang salitang Griego na breʹphos, na isinalin ditong “sanggol,” ay puwedeng tumukoy sa napakaliit na mga bata, bagong-silang na sanggol, o kahit nga sa mga nasa sinapupunan pa. (Luc 1:41; 2:12; Gaw 7:19; 1Pe 2:2; tingnan ang study note sa Luc 18:15.) Dahil bata pa si Timoteo nang matutuhan niya ang Hebreong Kasulatan, nagkaroon siya ng matibay na pundasyon sa kaniyang lumalagong pananampalataya. Noong malaki-laki na siya, natutuhan nila ng nanay at lola niya na puwede silang “maligtas . . . sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Jesus,” at naging Kristiyano sila. Sa paglipas ng panahon, patuloy pa siyang sumulong.—Tingnan ang study note sa Gaw 16:1; tingnan din ang Fil 2:19-22.

Timoteo: Sa Bibliya, dito unang binanggit si Timoteo, na ang pangalang Griego ay nangangahulugang “Isa na Nagpaparangal sa Diyos.” Hindi tiyak kung kailan naging Kristiyano si Timoteo. Pero mula pa pagkabata, tinuruan na siya ng nanay niyang si Eunice, na isang Judiong mánanampalatayá, at posibleng ng lola niyang si Loida tungkol sa “banal na mga kasulatan” ng mga Judio, ang Hebreong Kasulatan. (2Ti 1:5; 3:15) Malamang na naging Kristiyano sina Eunice at Loida nang dumalaw si Pablo sa Listra noong unang paglalakbay niya bilang misyonero. Ang ama ni Timoteo ay tinawag na Griego dahil posibleng ang mga ninuno niya ay mula sa Gresya o iba ang lahi niya. Lumilitaw na hindi siya Kristiyano. Sa ikalawang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero, noong katapusan ng 49 C.E. o pasimula ng 50 C.E., nagpunta siya sa Listra, kung saan lumilitaw na nakatira si Timoteo. Isa nang Kristiyano si Timoteo nang panahong iyon, at “mabuti ang sinasabi tungkol sa kaniya ng mga kapatid sa Listra at Iconio.” (Gaw 16:2) Posibleng mga 20 taóng gulang si Timoteo noon, at sinusuportahan ito ng sinabi ni Pablo kay Timoteo mga 10 o 15 taon pagkatapos nito: “Hindi dapat hamakin ng sinuman ang pagiging kabataan mo.” (1Ti 4:12, malamang na isinulat sa pagitan ng 61 at 64 C.E.) Ipinapakita nito na kahit noong panahong iyon, medyo bata pa rin si Timoteo.

maliliit na anak: O “mga sanggol.” Ang salitang Griego na breʹphos na ginamit dito ay tumutukoy sa napakaliit na mga bata, sanggol, o kahit nga sa mga nasa sinapupunan pa. (Luc 1:41; 2:12; Gaw 7:19; 2Ti 3:15; 1Pe 2:2) Ibang salitang Griego (pai·diʹon) ang ginamit sa kaparehong ulat sa Mat 19:13 at Mar 10:13. Ang terminong ito ay ginamit para sa mga bagong-silang na sanggol at maliliit na bata (Mat 2:8; Luc 1:59) at pati sa 12-taóng-gulang na anak ni Jairo (Mar 5:39-42). Ang paggamit ng mga manunulat ng Ebanghelyo ng magkaibang salitang Griego ay nagpapakita na iba-iba ang edad ng mga bata sa eksenang ito, pero lumilitaw na nagpokus si Lucas sa maliliit na bata na naroon.

banal na Kasulatan: Dito, tumutukoy ito sa Hebreong Kasulatan. Kaayon ng talatang ito, kasama sa pamagat ng Bagong Sanlibutang Salin ang ekspresyong “Banal na Kasulatan.” Ang iba pang ekspresyon na ginamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan para sa Hebreong Kasulatan ay “Kasulatan” at “banal na mga kasulatan.” (Mat 21:42; Mar 14:49; Luc 24:32; Ju 5:39; Gaw 18:24; Ro 15:4; 2Ti 3:15, 16) Kung minsan, ginagamit din ang mga terminong “Kautusan” (Ju 10:34; 12:34; 15:25; 1Co 14:21) at “Kautusan at mga Propeta” (Mat 7:12; Luc 16:16) para tumukoy sa buong Hebreong Kasulatan.​—Mat 22:40; tingnan ang study note sa Mat 5:17; Ju 10:34.

sa Kautusan ni Moises at sa mga Propeta at sa mga Awit: Maliwanag na hinati-hati ni Jesus ang Hebreong Kasulatan sa paraang tinatanggap at naiintindihan ng mga Judio. Ang “Kautusan” (sa Hebreo, Toh·rahʹ) ay tumutukoy sa mga aklat ng Bibliya mula Genesis hanggang Deuteronomio. Ang “mga Propeta” (sa Hebreo, Nevi·ʼimʹ) ay tumutukoy sa mga aklat ng hula sa Hebreong Kasulatan, kasama na ang tinatawag na Unang mga Propeta (ang mga aklat ng Bibliya mula Josue hanggang Mga Hari). Ang “mga Awit” ay ang ikatlong seksiyon, na naglalaman ng natitira pang mga aklat sa Hebreong Kasulatan at tinatawag ding Mga Akda, o Kethu·vimʹ sa Hebreo. Tinawag itong “mga Awit” dahil ito ang unang aklat sa ikatlong seksiyon. Ang terminong “Tanakh,” na tawag ng mga Judio sa Hebreong Kasulatan, ay ang pinagsama-samang unang letra ng tatlong seksiyong ito (TaNaKh). Ang paggamit ni Jesus ng tatlong terminong ito ay nagpapakita na buo na ang kanon ng Hebreong Kasulatan noong nasa lupa siya at na tinatanggap niya ito.

mula pa noong sanggol ka ay alam mo na ang banal na mga kasulatan: Batang-bata pa si Timoteo nang ituro sa kaniya ng nanay niyang si Eunice—at posibleng pati ng lola niyang si Loida—ang “banal na mga kasulatan” ng mga Judio, o ang Hebreong Kasulatan. (2Ti 1:5; 3:14; tingnan ang study note sa Ro 1:2.) Ang salitang Griego na breʹphos, na isinalin ditong “sanggol,” ay puwedeng tumukoy sa napakaliit na mga bata, bagong-silang na sanggol, o kahit nga sa mga nasa sinapupunan pa. (Luc 1:41; 2:12; Gaw 7:19; 1Pe 2:2; tingnan ang study note sa Luc 18:15.) Dahil bata pa si Timoteo nang matutuhan niya ang Hebreong Kasulatan, nagkaroon siya ng matibay na pundasyon sa kaniyang lumalagong pananampalataya. Noong malaki-laki na siya, natutuhan nila ng nanay at lola niya na puwede silang “maligtas . . . sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Jesus,” at naging Kristiyano sila. Sa paglipas ng panahon, patuloy pa siyang sumulong.—Tingnan ang study note sa Gaw 16:1; tingnan din ang Fil 2:19-22.

kumilala ng pananalita mula sa Diyos: Ang pariralang ito, na literal na nangangahulugang “kaunawaan ng espiritu,” ay tumutukoy sa makahimalang kakayahan na maunawaan ang mga kapahayagang mula sa Diyos. Malamang na kasama sa kaloob na ito ang kakayahang malaman kung ang isang kapahayagan ay galing sa Diyos o hindi. Siguradong nakatulong ang kakayahang ito para maprotektahan ang kongregasyon mula sa huwad na mga propeta. (2Co 11:3, 4; 1Ju 4:1) Tiyak na nakatulong din ito sa mga apostol at matatandang lalaki sa Jerusalem para malaman kung anong bahagi ng Kautusan ang “kinakailangan” pang sundin ng mga Kristiyano. (Gaw 15:19, 20, 28, 29) Kailangan din ng patnubay ng mga Kristiyano para malaman nila kung anong mga liham at akda ang dapat mabasa ng mga kongregasyon at kung ano ang magiging bahagi ng kanon ng Bibliya. Halimbawa, nang sabihin ni apostol Pedro na “pinipilipit ng mga walang alam at di-matatag” ang mga liham ni Pablo, gaya ng ginagawa nila “sa buong Kasulatan,” ipinahiwatig niya na bahagi ng Kasulatan ang ilang isinulat ni Pablo. (2Pe 3:16) Makasisiguro tayo na ginabayan ng espiritu ng Diyos ang pagpili ng mga aklat na magiging bahagi ng kanon ng Bibliya, at tiyak na ginamit niya dito ang mga Kristiyano na may ganitong kaloob.—2Ti 3:16; tingnan sa Glosari, “Kanon”; “Ruach; Pneuma.”

Dahil sinasabi ng kasulatan: Gumamit si Pablo ng dalawang pagsipi para suportahan ang naunang sinabi niya. (Ihambing ang Ro 9:17 at study note; 10:11.) Ang una ay galing sa Deu 25:4. (Tingnan din ang study note sa 1Co 9:9.) Ang ikalawa ay posibleng batay sa Lev 19:13. Pero posible ring kinuha ito ni Pablo sa isang Ebanghelyo. Katulad na katulad ito ng sinabi ni Jesus sa Luc 10:7. Isinulat ni Lucas ang Ebanghelyo niya noong mga 56-58 C.E., at lumilitaw na isinulat naman ni Pablo ang liham niyang ito kay Timoteo sa pagitan ng 61 at 64 C.E. (Ang sinipi ni Pablo ay kahawig din ng nasa Mat 10:10, na isinulat noong mga 41 C.E.) Kung gayon, isa ito sa mga pinakaunang halimbawa ng isang manunulat ng Bibliya na sumipi sa Ebanghelyo. Pinapatunayan nito na talagang galing sa Diyos ang Ebanghelyo.—Ihambing ang 1Co 9:14, kung saan binanggit ni Pablo ang isang utos ng Panginoong Jesus; tingnan din ang study note sa 1Co 12:10.

Sawayin: Sa Bibliya, ang terminong Griego na isinasaling “sawayin” ay kadalasan nang tumutukoy sa pagtulong sa isa na makitang nagkasala siya. Layunin ng nagbibigay ng saway na mapakilos ang isang tao na aminin ang kasalanan niya at ituwid ito. Ayon sa isang diksyunaryo, ang salitang ito ay puwede ring mangahulugang “‘ituwid,’ ibig sabihin, ‘ituro ang daan mula sa kasalanan tungo sa pagsisisi.’” Nakapagtuturo ang disiplinang ito. Sa Ju 16:8, ang salitang Griego para sa “sawayin” ay isinaling “magbibigay . . . ng nakakukumbinsing katibayan.”

Ang buong Kasulatan: Malawak ang kahulugan ng ekspresyong ito at siguradong kasama dito ang buong Hebreong Kasulatan. (Luc 24:44 at study note) Alam na alam ni Timoteo ang “banal na mga kasulatan” na iyon. (2Ti 3:15 at study note) Lumilitaw na itinuturing din ng unang-siglong mga Kristiyano na kasama sa Kasulatan ang bahagi ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na naisulat na nang panahong iyon. Halimbawa, nang isulat ni Pedro ang ikalawang liham niya noong mga 64 C.E. (posibleng ilang panahon lang bago isulat ni Pablo ang liham niyang ito kay Timoteo), ipinahiwatig niya na bahagi ng “Kasulatan” ang ilan sa mga isinulat ni Pablo. (2Pe 3:16; tingnan din ang study note sa 1Co 12:10; 1Ti 5:18.) Nang sabihin ni Pablo na “ang buong Kasulatan ay mula sa Diyos,” ipinapaalala niya kay Timoteo at sa lahat ng Kristiyano na magtiwala sa karunungan na nasa Salita ng Diyos at umasa dito sa lahat ng gagawin nila.

mula sa Diyos: Ang ekspresyong ito ay salin ng tambalang salitang Griego na the·oʹpneu·stos. Kombinasyon ito ng mga salitang the·osʹ (diyos) at pneʹo (hingahan; hipan), kaya literal itong nangangahulugang “hiningahan ng Diyos.” Ang pandiwang Griego na pneʹo ay kaugnay ng pneuʹma, na kadalasan nang isinasaling “espiritu.” (Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”) Ginamit ng Diyos ang kaniyang espiritu, o aktibong puwersa, para gabayan ang ilang tapat na lalaki sa pagsulat ng Salita niya. Pinatunayan ito ni Jesus nang sumipi siya sa Awit at sabihing isinulat ito ni David “udyok ng banal na espiritu.” (Mat 22:43, 44; Aw 110:1) “Sa pamamagitan ng banal na espiritu” naman ang mababasa sa katulad na ulat sa Mar 12:36. Sinabi rin ni Pedro na may mga taong “nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu.” (2Pe 1:21) Sa Hebreong Kasulatan, ito rin ang punto ni Haring David nang sabihin niya: “Ang espiritu ni Jehova ay nagsalita sa pamamagitan ko.” (2Sa 23:2) Kapansin-pansin na ganito ang pagkakasalin sa Hebreo ng isang Bibliya mula noong ika-19 na siglo (may code na J17 sa Ap. C4) sa unang bahagi ng 2Ti 3:16: “Ang buong Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos.”—Tingnan sa Glosari, “Kanon (kanon ng Bibliya).”

kapaki-pakinabang: Ipinaliwanag ni Pablo na ang Salita ng Diyos ay kapaki-pakinabang (o “nakakatulong”) sa maraming bagay. Dahil tagapangasiwa si Timoteo, responsibilidad niya na gamitin nang mahusay ang Salita ng Diyos para tulungan ang mga tao, sa loob man o labas ng kongregasyon. (2Ti 2:15) Gayundin, kailangan ng lahat ng Kristiyano na gamitin ang Salita ng Diyos para ituwid ang kanilang kaisipan at paggawi at maiayon ito sa kalooban ng Diyos.

pagtuturo: Tumutukoy sa pagtuturo ng katotohanan at tamang paggawi.—Tit 1:9.

pagsaway: Responsibilidad ng mga tagapangasiwang Kristiyano na sawayin ang “mga namimihasa sa kasalanan.” (1Ti 5:20 at study note; Tit 1:13) Gamit ang Kasulatan, matiyagang ipapaunawa sa kanila ng mga tagapangasiwa na lumilihis na sila sa mga prinsipyo sa Bibliya at tutulungan silang magbago. (Gal 6:1; 2Ti 4:2) Magagamit din ng mga Kristiyano ang Kasulatan para ituwid ang kanilang sarili.

pagtutuwid: Ang salitang Griego na ginamit dito ay nangangahulugan ng pagbabalik ng kung ano ang tama o pag-aayos ng may diperensiya.

pagdidisiplina ayon sa katuwiran: Magagamit ang Salita ng Diyos sa pagdidisiplina, o pagsasanay, na ayon sa pamantayan ng Diyos ng tama at mali.—Heb 12:11; tingnan sa Glosari, “Katuwiran.”

O lingkod ng Diyos: Tinawag dito ni Pablo si Timoteo na “lingkod ng Diyos.” Dalawang beses lang ginamit ang ekspresyong ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, sa tekstong ito at sa 2Ti 3:17. Pero sa Hebreong Kasulatan, lumitaw nang mga 70 beses ang ekspresyong “lingkod ng Diyos” (o “lingkod ng tunay na Diyos”). Ginamit ito para tumukoy sa mga propeta o iba pang espesyal na kinatawan ng Diyos, halimbawa, sina Moises (Deu 33:1), Samuel (1Sa 9:6, 10), David (Ne 12:24), Elias (1Ha 17:18, 24), at Eliseo (2Ha 4:7, 9). Posibleng ginamit ni Pablo ang ekspresyong ito para ipakitang galing sa Diyos ang atas ni Timoteo na labanan ang huwad na mga guro sa kongregasyon sa Efeso. (1Ti 1:3, 4; 6:2b-10) O posibleng ginamit ni Pablo ang ekspresyong ito para tukuyin ang sinumang lalaki o babaeng nakaalay kay Jehova at nagpapagabay sa Salita ng Diyos sa lahat ng aspekto ng buhay niya.—Tingnan ang study note sa 2Ti 3:17.

lingkod ng Diyos: Ang salitang Griego na isinalin ditong “lingkod” (anʹthro·pos) ay tumutukoy sa mga lalaki at babae. Kaya kahit na ang tagapangasiwang si Timoteo ang kausap dito ni Pablo, posibleng nasa isip niya rin ang lahat ng Kristiyanong lalaki o babae na lubusang nakaalay sa Diyos na Jehova. Kaya sa ilang salin, ang mababasa ay “taong pag-aari ng Diyos” o “taong nakaalay sa Diyos.” Gaya ng sinabi sa naunang talata, kailangan na laging pag-aralan ng “lingkod ng Diyos” ang Kasulatan at mamuhay ayon dito.—Tingnan ang study note sa 1Ti 6:11.

handang-handa: Ang salitang Griego na isinaling “handang-handa” ay literal na nangangahulugang “kumpleto sa mga bagay na kailangan.” Halimbawa, ginagamit noon ang salitang ito para tumukoy sa isang bangka na kumpleto sa mga bagay na kailangan para sa paglalayag. Sa katulad na paraan, inilalaan ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang Salita ang kaalaman at karunungan na kailangan ng mga Kristiyano para magawa ang tama; handang-handa sila para gawin ang iniatas ng Diyos.

Media